Ilang senador, nanawagan ng pagpapalakas ng ating hukbo sa West Philippine Sea

Kinalampag ng mga senador ang pamahalaan na palakasin ang ating mga hukbo na nagbabantay sa West Philippine Sea.

Kasunod na rin ito ng panibagong karahasan na ginawa ng China Coast Guard sa ating resupply mission at pagharang sa medical evacuation ng mga sundalong nagkasakit.

Iginiit ni Senator JV Ejercito na dahil sa insidente ay panahon na para madaliin ang pagpapalakas sa ating militar upang maprotektahan ang mga karagatan, mapaigting ang depensa, at mapanatiling ligtas ang ating mga mamamayan.


This slideshow requires JavaScript.

Umaasa naman si Senator Risa Hontiveros na palalakasin ng Department of National Defense (DND) ang mga sundalo na nagbabantay sa Ayungin Shoal at saludo aniya siya sa katapangan at kahinahunan na ipinamalas ng mga sundalo sa gitna ng karahasan ng China.

This slideshow requires JavaScript.

Tinawag naman ni Senator Ramon Bong Revilla Jr., na hindi makatao at maituturing na pamimirata sa karagatan ang harassment ng China sa ating mga sundalo.

This slideshow requires JavaScript.

Dagdag ni Revilla, malinaw ang naging mensahe ng pangulo na hinding hindi natin isusuko ang kahit katiting ng ating teritoryo at territorial rights at napupuna rin natin ang pambu-bully at panggagalit na ginagawa ng China sa ating mamamayan at bansa.

Facebook Comments