Ilang senador, naniniwalang inilipat sa DBM ng DOH ang P42-B para pagtakpan ang unobligation rate nito

Naniniwala si Senate Minority Leader Franklin Drilon na inilipat ng Department of Health (DOH) ang P42 billion na pondo nito sa isang opisina ng Department of Budget and Management (DBM) para pagtakpan ang unobligation rate at inefficiency ng kagawaran.

Ayon kay Drilon, nabigo ang DOH na gastusin ang P24 billion o 31.17 percent ng COVID-19 funds nito.

Aniya, mas malaki pa ang hindi nagastos na pera ng DOH kung isasama pa ang pondong ipinasa sa procurement service ng DBM.


Iginiit din ni Drilon na sa halip na magturo at manisi, dapat akuin ni Health Secretary Francisco Duque III ang responsibilidad sa hindi pagbabayad ng ipinangakong benepisyo sa mga health worker.

Facebook Comments