Iginiit ng ilang mga senador na hindi sila tutol sa Public Transport Modernization Program (PTMP) matapos na lumagda sa resolusyon na pansamantalang nagpapasuspindi sa programa.
Katunayan, naniniwala si Senator Joel Villanueva na mayroon na talagang pangangailangan para sa modernisasyon sa mga Public Utility Vehicles (PUVs).
Pero giit ni Villanueva, bagama’t may malinaw na pangangailangan para sa modernisasyon, problema pa rin ang kawalan ng klarong route rationalization at napakamahal na halaga ng unit na kailangang bilhin ng mga operators at drivers para makasunod sa modernisasyon.
Nagpaliwanag naman si Senator Cynthia Villar na isinulong nila ang resolusyon sa Senado para ayusin muna ang mga problema ng ilang jeepney drivers at operators.
Para sa mga mambabatas, mahalagang maisaayos muna ang mga nasabing problema bago ipatupad nang tuluyan ang PUV modernization.