Ilang senador, pinaghahain ang gobyerno ng panibagong mga reklamo at kaso laban sa China

Iminungkahi ng ilang mga senador ang paghahain ng panibagong reklamo laban sa China matapos ang panibagong insidente ng panghaharang ng China Coast Guard (CCG) sa ating mga marine scientist na nagsasagawa ng reef assessment sa Escoda Shoal.

Ayon kay Senate Majority Leader Francis Tolentino, maaaring maghain ang Pilipinas ng hiwalay na kaso sa International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS) at humingi ng bayad pinsala sa ginawa ng China.

Pinakikilos agad dito ni Tolentino ang Department of Foreign Affairs (DFA) at ang Office of the Solicitor General (OSG) para sa paghahain ng kaso.


Para naman kay Senator Joel Villanueva, pwedeng maghain ng panibagong diplomatic protest ang Pilipinas dahil maipapakita nito hindi lang sa China kundi sa buong mundo kung gaano kaseryoso ang Pilipinas na angkinin ang pag-aari natin.

Dagdag pa ni Villanueva, sa pamamagitan ng DFA ay maaaring gumawa ng formal demand ang bansa sa regular Bilateral Consultation sa mga counterparts nito sa China.

Facebook Comments