Manila, Philippines – Pumalag ang mga senador sa banta ni Moro National Liberation Front o MNLF Chairman Nur Misuari na maghahasik ng giyera kapag hindi naisabatas ang pederalismo.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, dapat mag-ingat si Misuari sa kaniyang pananalita dahil posibleng may nagagawa na itong krimen.
Sabi naman Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi dapat pinapayagan ang ganitong pagbabanta kapag hindi nasusunod ang gusto ng MNLF leader.
Giit naman ni Senator Panfilo Lacson, mabuting malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte si Misuari dahil nababantayan ng militar ang mga kilos nito.
Facebook Comments