Ilang senador, sobrang dismayado sa kumakalat na selfie ng ilang mga awtoridad at government official kasama si Alice Guo

Hindi naitago ng ilang mga senador ang pagkadismaya nang makita ang mga larawan ng mga awtoridad na nakipag-selfie na animo’y isang sikat na celebrity si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa mga selfie na larawan na ibinahagi ni Senator Joel Villanueva, makikita si Guo na nakangiti sa loob ng isang sasakyan kasama ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at mayroon ding selfie kay Guo na kasama ang isang NBI officer at si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na humarap sa isang press conference sa Indonesia habang naghihintay sa paglipad pabalik ng Pilipinas.

Kinumpirma rin ng senador ang isa pang larawan na mula naman kay Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada kung saan magkasamang nakaupo sa sofa at kapwa nakangiti sina Abalos at PNP Chief PGen. Rommel Marbil habang si Guo naman ay naka “peace” sign ang dalawang kamay.


Giit ni Villanueva, napaka-unprofessional ng ilang mga awtoridad at opisyal sa ipinakitang larawan at seryoso ba talaga silang nagpa-selfie sa isang taong itinuturing na mapanlinlang na pugante.

Aniya, ginawang “K-Pop” celebrity ng mga high-ranking government officials si Alice Guo at ang NBI ay mistula namang “Bini Blooms” sa pagpapaselfie sa pinatalsik na alkalde.

Nagpaalala naman si Senator Risa Hontiveros sa mga kawani ng gobyerno na si Alice Guo ay isang pugante, may kaso ng human-trafficking at hindi isang celebrity.

Facebook Comments