Kinatigan ni Senator Francis Tolentino ang desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., na hindi na pabalikin ang bansa bilang kasapi ng International Criminal Court (ICC).
Naniniwala si Tolentino na ang pasya ng pangulo ay sumasalamin sa dalawang pundasyon ng soberenya ng bansa, ang independent foreign policy at ang national security o pambansang seguridad.
Ayon kay Tolentino, may sariling mga korte ang Pilipinas at ang mga ito ang may poder na maggawad ng hustisya sa bansa.
Aniya, kinikilala naman ito ng ICC na tinatawag nilang ‘complementarity principle’ na kung saan hindi na kailangang pakialaman ng ICC ang mga kaso na nilitis o inaaksyunan na ng bansa kung saan nangyari o ginawa ang ipinaparatang na krimen.
Ganito rin aniya ang paninindigan ng Estados Unidos, India, at China na hindi lumagda sa Rome statute na lumikha sa ICC.