Ilang senador, suportado kung itatalagang bagong DepEd secretary si Senator Sonny Angara

 

Naniniwala ang ilang mga senador na “good choice” si Senator Sonny Angara bilang Department of Education (DepEd) Secretary kapalit ng nagbitiw na si Vice President Sara Duterte-Carpio.

Ayon kay Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero, excellent choice para sa posisyon si Angara.

Inamin ng senate leader na ilang malapit sa pangulo ang nagtanong sa kanya kung sino ang karapat-dapat na maging DepEd Secretary at ang tanging naisip at nabanggit niya ay si Angara.


Sinabi naman ni Senator Sherwin Gatchalian na alam na ni Angara ang problema sa education sector at alam din nito ang solusyon dahil ito ay kanyang adbokasiya.

Aniya pa, nakakatrabaho rin niya sa 2nd Congressional Commission on Education o EDCOM 2 si Angara kaya’t alam niyang good choice ito na maging DepEd Secretary.

Naniniwala rin si Senator JV Ejercito na good choice bilang DepEd Secretary si Angara at umaasa siyang maikokonsidera ito ng mambabatas.

Facebook Comments