Ilang Senador, tahimik na tumutulong sa paglaban kontra COVID-19, Sotto

Iginiit ni Senate President Vicente Sotto III na tahimik na tumutulong ang ilang Senador sa paglaban ng bansa kontra COVID-19.

Pahayag ito ng Senador kasunod ng anunsyo ni House Speaker Alan Peter Cayetano na halos 200 mambabatas ang ido-donate ang kanilang buong sahod para sa buwan ng mayo bilang tulong sa gitna ng nararanasang health crisis.

Ayon kay Sotto, marami nang Senador ang nagbibigay ng tulong at higit pa sa kanilang sahod pero hindi lang nila inaanunsyo.


Samantala, ilan pang opisyal ng Gobyerno ang ido-donate din ang kanilang sahod bilang tulong sa relief efforts ng pamahalaan kontra COVID-19.

Kabilang rito ang lahat ng opisyal ng Manila LGU na ibibigay ang kanilang sahod para sa buwan ng Abril sa Philippine General Hospital (PGH), na may kabuuang P4.7-million.

Ilang miyembro rin ng Gabinete ng Pangulo ang nag-commit na i-donate ang three-fourths ng kanilang sweldo.

Ayon pa kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ido-donate din ng mga miyembro ng executive team ang buwanang sahod nila hanggang disyembre.

Facebook Comments