Ilang senador, tinutulan ang mababang taripa sa mga inaangkat na karneng baboy

Nanindigan ang ilang senador na hindi dapat babaan ang taripa o buwis sa mga iniaangkat na karneng baboy.

sa interview ng RMN Manila, nilinaw ni Senate President Vicente Sotto III na hindi sila tutol sa mataas na import quota o Minimum Access Volume (MAV) ng mga imported porks pero dapat taasan ang buwis nito.

Aniya, ito ang susi para maging matatag ang suplay ng karneng baboy sa bansa.


Dagdag pa ni Sotto, mataas pa rin ang presyo ng karne ng baboy sa ilang pamilihan sa kabila ng mataas na bilang ng imported porks.

Kaugnay nito, maghahain na ng joint resolution sina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senator Cynthia Villar at Senator Kiko Pangilinan na magbabasura sa Executive Order 128 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng umanong magpabagsak sa lokal na industriya ng baboy sa bansa.

Facebook Comments