Kumpyansa si Senator Francis Tolentino na mas malaki ang tsansa na makakalusot na sa Kongreso ang inihaing charter change o Resolution of Both Houses no. 6 na inihain ni Senate President Juan Miguel Zubiri.
Ayon kay Tolentino, ito ay dahil nagkasundo ang Senado at Kamara na limitado lamang sa economic provisions ng Konstitusyon ang aamyendahan at mismong ang mababang kapulungan ay naghayag na i-a-adopt nila ang aaprubahang bersyon ng chacha ng mga senador.
Bukod dito, mismong si Zubiri ang naghain ng RBH6 kaya tiwala si Tolentino na may bigat sa mga senador na pagtibayin ang amyenda sa economic provisions.
Tiniyak naman ng senador na malabong maisingit sa resolusyon ang amyenda sa political provisions dahil malinaw naman ang nakasaad sa RBH6 na ang amyenda ay limitado lamang sa public utilities, edukasyon at advertising.
Samantala, sangayon si Tolentino na gawng hiwalay ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang botohan sa chacha matapos igiit ng senado na mayroong inaprubahang resolusyon ang Kamara kung saan nananawagan ang mga kongresista ng constitutional change at ang pagboto rito ng mga kongresista at senador ay gagawin ng hiwalay.