Ilang senador, tiwalang mananatili ang propesyunalismo ng mga sundalo

Tiwala ang ilang mga senador na mananatili ang propesyunalismo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kabila ng panawagan na manghimasok na sila sa sinasabing wasak na estado ng bansa sa ilalim ng Marcos administration.

Paalala ni Senator Grace Poe, may sinumpaang tungkulin ang AFP na itaguyod ang pagsunod sa Konstitusyon.

Tungkulin aniya ng mga militar na protektahan ang bansa at sambayanang Pilipino at mismong ang AFP na rin ang nagsabi na mananatili silang tapat at susunod sa Konstitusyon.


Dapat din aniyang maging apolitical ang mga militar at saka lamang makikialam ang AFP kung mayroong banta sa seguridad ng bansa.

Sinabi naman ni Senator Christopher “Bong” Go na batid ng mga militar ang kanilang trabaho at kanilang responsibilidad sa ilalim ng ating saligang batas.

Facebook Comments