Ilang senador, tutol na alisin ang fraternities sa mga paaralan

Tutol ang ilang mga senador na ipagbawal ang fraternities sa mga paaralan.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, hindi naman dapat lahatin ang mga fraternities na ipagbawal o i-ban sa mga eskwelahan.

Sinabi ni Zubiri na hindi naman lahat ng fraternities at sororities ay masama dahil marami na rin sa mga ito ang itinigil ang hazing at gumagawa na ng ibang mga bagay na mas kapaki-pakinabang sa paaralan at sa mga komunidad.


Kung may dapat mang tanggalin sa eskwelahan, iginiit ni Zubiri na ito ay iyong mga frats na gumagawa ng karahasan o krimen.

Hindi rin sang-ayon si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na i-ban ang mga fraternities sa mga paaralan at sa halip ay pinakikilos ng senador ang mga myembro ng mga fraternities na bantayan mismo ang kanilang mga sarili at mga kapwa myembro.

Pinabubuo rin ni dela Rosa ang mga paaralan ng mga hakbang na susundin para maging organisado ang mga fraternities.

Facebook Comments