Ilang senador, tutol na palitan ang pangalan ng WPS

Tutol si Senator Alan Peter Cayetano na palitan ang pangalan ng West Philippine Sea (WPS) ng iminumungkahing “Sea of Asia”.

Ang mungkahing tawagin na lamang na “Sea of Asia” ang WPS ay nagmula kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla bilang estratehiya para mas maging makabuluhan sa international community ang ihahaing environmental case ng Pilipinas laban sa China.

Naniniwala si Cayetano na ang pagpapanatili ng pangalang “West Philippine Sea” ang magbibigay-linaw kung sino ang may karapatan sa naturang bahagi ng teritoryo.


Bagama’t kinilala naman ng senador na may punto rin ang mungkahi ng kalihim, mas mainam pa rin aniya ang pagtawag na ‘West Philippine Sea’ upang bigyang diin ang 2016 arbitral ruling na nagdedeklarang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang nasabing karagatan.

Matatandaang opisyal na tinawag na WPS ang teritoryo noong September 5, 2012 sa bisa ng kautusang ibinaba ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Facebook Comments