Umaasa ang ilang mga senador na mauuwi sa agad na pag-apruba ng panukalang itaas ang minimum wage ang kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Regional Wage Boards na pag-aralan ang umiiral na wage rate sa mga rehiyon.
Ayon kay Senator Chiz Escudero, sana ay sundan na hakbang ng pangulo ay sertipikahan ang panukala sa Senado na ₱100 daily minimum wage increase sa pribadong sektor.
Ito ay para mapilitan ang Kamara na ipasa na rin ang counterpart bill na minimum wage increase.
Suportado at welcome din kina Senate Majority Leader Joel Villanueva at Senator Sonny Angara ang utos ng pangulo.
Umapela si Angara sa presidente na samahan ng pangmatagalang suporta sa mga magsasaka at food industries upang maging mura ang halaga at hindi na palaging nag-aangkat ng pagkain ang bansa.