Hinimok ng ilang senador ang Kamara na pagisipan muna ang isinusulong na ₱350 na dagdag sahod sa pribadong sektor.
Kaugnay na rin ito ng pahayag ng Kamara na hindi makasasapat ang ₱100 minimum wage increase na ipinasa ng Senado para sa pangangailangan ng mga manggagawa kaya mas isusulong ang ₱350 na dagdag-sahod.
Ayon kay Senator Ramon Bong Revilla Jr., isa sa may-akda ng ₱100 wage hike sa Senado, ang kanyang original proposal ay ₱150 na dagdag sahod sa mga minimum wage earners pero kailangan ding isaalang-alang ang mga employers dahil baka ma-bankrupt naman ang mga ito.
Iginiit naman ni Senator Francis Tolentino na dapat munang tanungin ang mga employers at mga kumpanya kung kakayanin bang ibigay ang ₱350 na umento sa sahod lalo’t hindi malabong maraming negosyo ang magbabawas ng empleyado.