Ilang senador, umapelang ideklara na ring emergency ang pagtaas ng HIV cases sa bansa

Nanawagan na rin ang ilang senador na ideklarang national public health emergency ang pagtaas ng kaso ng HIV sa bansa.

Ayon kay Senator Loren Legarda, suportado niya ang apela ng Department of Health (DOH) sa pamahalaan na ideklarang emergency ang naturang sakit na ngayon ay nakapagtatala ng 56 na bagong kaso araw-araw mula pa noong Enero.

Mas lalo lamang lumalalim ang public health at social crisis sa bansa dahil karamihan sa mga may HIV ay mga kabataan.

Iginiit ng senadora na kailangang mapalawak ang access sa libre at confidential testing, palakasin ang awareness at edukasyon ukol sa HIV.

Dapat din aniyang bumuo ng mas responsive na health system na kayang i-maintain ang prevention, treatment at pangangalaga sa mga HIV victim.

Facebook Comments