Nagsimula nang maghain ng kandidatura sa pagka-senador ang ilang oposisyon at miyembro ng militanteng grupo.
Kabilang sa naghain ngayon ng Certificate of Candidacy (COC) sina Atty. Neri Colmenares mula sa Anakbayan at Atty. Chel Diokno mula sa oposisyon.
Naghain din ng kandidatura sa pagkasenador sina dating Vice President Jejomar Binay at negosyanteng si Jesus Arranza.
Hindi naman nagbigay ng kaniyang talumpati si Binay at agad itong umalis.
Wala namang malalaking pangalan pa ang naghahain ngayon ng COC sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo.
Patuloy rin ang pagdagsa ng mga partylist groups na naghahain ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA).
Kabilang sa naghain ng CONA ang Abante Sambayanan sa pangunguna ni Ka Ely Celis kung saan nagbanta siyang kapag naupo sa Kongreso ay isisiwalat niya ang mga pananabotahe ng CPP-NPA na kanyang dating kinaaaniban.
Ibubunyag niya rin aniya ang sabwatan ng kilusan sa mga militanteng kongresista.