Ilang senatoriables, solid ang numero sa pagpasok ng Bagong Taon

Ilang linggo bago ang opisyal na pagsisimula ng campaign season, ilang mga national candidate ang patuloy na namamayagpag sa mga survey.

Nitong mga nakaraang araw, sunod-sunod ang paglabas ng magkakaibang survey na halos pare-pareho ang resulta lalo na sa mga nangunguna sa pagkasenador.

Sa resulta ng survey firms na SWS, Pulse Asia, Tangere, OCTA research, Publicus at iba pa, nasungkit ng iilang mga kilalang pangalan ang top ranking para sa huling bahagi ng 2024.


Kabilang sa mga may “solid” na approval rating at patuloy na nasa top rank ng surveys ang mga magbabalik-Senado at re-electionist tulad ni Senator Bong Go.

Samantala, nananatili namang top concerns o pangunahing isyu sa isip ng publiko ang patuloy na pagtaas ng presyonng bilihin, kakulangan sa trabaho, at kalusugan lalo pa sa kabila ng maiinit na health issues sa bansa tulad ng zero budget ng PhilHealth para sa 2025.

Nauna nang sinabi ni Senator Bong Go, ang chairman ng Senate Committee on Health, na hindi  siya papayag na mga mahihirap na pasyente ang kawawa pagdating sa usapin ng medical benefits.

Facebook Comments