Ilang senatorial candidates na hindi kabilang sa PDP-Laban, inimbitahan ng Pangulo sa proclamation rally ng partido

175

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Dating Special Assistant to the President Secretary Bong Go na mayroong inimbitahan si Pangulong Rodrigo Duterte na Senatorial Candidates na wala sa PDP-LABAN slate.

Matatandaan na dadaluhan ni Pangulong Duterte ang Proclamation Rally ng PDP Laban na gaganapin sa Bulacan kung saan ieendorso ni Pangulong Duterte ang kanyang mga manok sa halalan kung saan kabilang dito sina Dating Secretary Bong Go, dating Secretary Francis Tolentino, dating PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa at Senador Koko Pimentel at Kongresman Zajid Mangudadatu.

Sa isang Interview kay Go ay sinabi nito na inimbitahan ni Pangulong Duterte sina Senador Cynthia Villar, Governor Imee Marcos at Freddie Aguilar at ang iba pang kandidato na sinusuportahan ng Pangulo.

Pero nilinaw din naman ni Go na hindi pa pinal sa PDP-LBAN kung tatayo ang mga ito bilang guest candidates ng kanilang Partido pero tiwala naman aniya siya na kung sasabihin ito ng Pangulo ay papayag naman ang buong Partido

Facebook Comments