Ilang serbisyo ng COMELEC, tuloy kahit pa sarado ang kanilang mga opisina sa NCR Plus bubble

Tuloy pa rin ang serbisyo ng Commission on Elections (COMELEC) kahit pa sarado ang kanilang mga opisina sa Metro Manila at mga katabing lalawigan.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, maaari pa rin silang tumanggap ng mga mensahe o anumang concern sa pamamagitan ng kanilang email o sa kanilang website na comelec.gov.ph.

Aniya, kanila pa rin tatanggapin ang mga electronic copy ng mga dokumento tulad ng mga petition, memoranda at iba pa.


Nabatid na mula ngayong araw hanggang April 11 ay sarado ang mga tanggapan ng COMELEC sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal bunsod na rin ng pagpapalawig ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Suspendido rin ang pagpaparehistro sa Offices of the Election Officer sa NCR Plus bubble gayundin ang pagpapatala sa Office for Overseas Voting at sa mga satelite offices nito.

Tuloy naman ang ginagawang pagpaparehistro sa ibang bahagi ng bansa mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00ng hapon, lunes hanggang biyernes.

Facebook Comments