
Inanunsyo ng Korte Suprema na tuloy pa rin ang ilang piling serbisyo sa ilang mga hukuman sa iba’t ibang lalawigan.
Ito’y kahit pa suspendido ang pasok sa trabaho sa mga government office ngayong araw.
Nabatid na magpatutupad ng skeletal workforce sa ibang opisina para makatugon sa mga kinakailang aksyon ng mga korte.
Unang naglabas ng abiso ang Supreme Court hinggil sa work suspension para ngayong araw upang maging ligtas ang mga empleyado ngayong masama ang panahon.
Bukod naman sa Korte Suprema ay kabilang din sa nag-anunsnyo na walang pasok sa trabaho ngayong araw ay sa Court of Appeals-Manila para makaiwas sa posibleng pagbaha dulot ng pag-ulan.
Samantala, magpatutupad din ng work-from-home arrangement ang ilang tanggapan ng Supreme Court, Sandiganbayan at Court of Tax Appeals.









