Ilang serbisyo sa BPI hindi muna magagamit sa october 19 dahil sa kanilang gagawing major system upgrade  

Nag-anunsyo ang bank of the philippine islands (bpi) na magkakaroon sila ng major system upgrade sa susunod na sabado (october 19).

Ibig sabihin, ang ilang serbisyo ng BPI tulad ng Online Banking, Mobile App, Bizlink at Elink Platforms, ATMs, Cams, at Debit Card Services ay hindi magagamit sa oras ng upgrade.

Lahat ng BPI Branches ay sarado rin mula October 19 hanggang 20.


Pero nilinaw ng BPI na ang kanilang Credit Card, at Prepaid Card services ay mananatiling accessible.

Layunin nito na magbigay ng Advanced Service at Capabilities sa kanilang mga kustomer.

Facebook Comments