Ilang showbiz personalities, nagningning sa halalan

Bagamat hindi pa opisyal na iproproklama, malaki naman ang lamang ng mga showbiz personalities na tumatakbo sa kani-kanilang lugar.

As of 5:20 ngayong umaga, nasa number 1 si re-electionist councilor ng unang distrito ng Makati na si Jhong Hilario na nakakuha ng 90,525 na boto at ganon din si Lucy Torres Gomez na tumatakbo bilang congresswoman ng Fourth District ng Leyte na mayroong 177,938 votes.

Nangunguna rin ang aktor na si Alfred Vargas ng kandidato ng ikalima distrito ng Quezon City.


Malaki rin ang lamang nina Vandolf Quizon at Ryan Yllana na tumatakbo bilang councilor ng una at dalawang distrito ng Parañaque at si Imelda Papin bilang bise gobernador ng Camarines Sur.

Hindi naman pinalad si Jeremy Marquez na anak ni dating Paranaque City Mayor Joey Marquez, Dominic Ochoa, Second District ng Parañaque at si Roderick Paulate na kumakandidato bilang bise alkalde ng Quezon City.

Facebook Comments