Bagamat malayo pa ang holiday season, nagsimula nang dagsain nitong weekend ang ilang sikat na beach sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa San Fabian beach, maagan nagsidatingan ang mga nais maligo sa dagat upang kahit papaano ay makapag recharge dahil Isang linggo na namang pakikibaka sa trabaho.
Nakitaan rin ng pagdami ng mga dumadayo sa Lingayen Capitol Beach dahil sa Bazaar na nakalinya malapit sa dagat at maging mga nais lamang magpahinga kasama ang pamilya.
Inaasahan na lalo pang dadami ang mga lokal na bumibisita sa mga naturang beach lalo at nalalapit nanaman ang long weekend. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments