Ilang simbahan sa Metro Manila, binuksan na pero limitado pa rin ang pwedeng pumasok

Binuksan na ang ilang Simbahang Katolika sa Metro Manila para tumanggap ng mga nais makinig ng kanilang misa.

Ayon kay Father Douglas Badong, Parochial Vicar ng Quiapo Church, limang misa ang isinasagawa kada araw pero 10 tao lamang ang pwedeng dumalo rito.

Napansin din niya na sumusunod ang mga deboto sa health protocols ng simbahan at ng Department of Health (DOH) tulad ng social distancing at “no face mask, no entry.”


Ang Sta. Cruz Parish ay nagbukas na rin para sa physical masses pero 10 tao lamang din ang pwedeng dumalo kada misa.

Pinayuhan pa rin nila ang mga mananampalataya na panoorin na lamang ang kanilang online masses sa kanilang Facebook page.

Para naman kay Reginald Malicdem, Chancellor ng Archdiocese of Manila, hindi pa rin sila makapagsagawa ng physical mass dahil hindi nila masusunod ang 10 person limit na itinakda ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Gayumpaman, magpapatuloy ang kanilang online o virtual masses.

Facebook Comments