Ilang siyudad sa labas ng NCR, nakikitaan ng pagtaas ng COVID-19 cases – OCTA Research

Tinukoy ng OCTA Research Group ang ilang “areas of concern” dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 nitong nagdaang linggo.

Kabilang sa mga areas of concern ay ang Cagayan de Oro City, Puerto Princesa City, Zamboanga City, at Bacolod City.

Ayon kay OCTA Research Fellow Professor Guido David, mabilis ang paglobo ng kaso sa mga nasabing lugar.


Bukod dito, nagkakaroon din ng clustering of cases lalo na sa Puerto Princesa City at Cagayan de Oro City.

Gayumpaman, hindi pa ito nakakaalarma dahil mabilis namang naaaksyunan ng mga local government units (LGUs).

Sa monitoring ng OCTA Research, bumaba sa 0.69 ang reproduction number sa NCR kaya inaasahang mababa sa 2,000 ang maitatalang kaso kada araw sa rehiyon.

Ang hospital bed occupancy sa NCR ay bumaba sa 51%, habang sa intensive care unit (ICU) occupancy ay nasa 69%.

Facebook Comments