Ilang siyudad sa Metro Manila, posibleng isailalim na sa GCQ

Dahil sa nangyayaring development sa Metro Manila kung saan unti-unti nang bumabagal ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at nananatili ang kapasidad sa pagtugon sa critical care.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na baka ang tahaking direksyon ngayon ng NCR ay papunta na sa General Community Quarantine.

Una nang sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na posibleng magpatupad ng GCQ sa ilang siyudad sa Metro Manila na mababa na ang kaso ng COVID-19 tulad ng San Juan at Valenzuela City.


Kaugnay nito, muling nakiusap ang Palasyo sa publiko na manatili sa loob ng tahanan lalo na’t ilang tulog na lang ay sasapit na ang May 15.

Mas magiging madali aniya ang pagdedesisyon ng IATF kung susunod ang lahat sa utos ng pamahalaan na stay-at-home para tuluyang bumaba ang COVID-19 cases.

Tiniyak naman nitong bago sumapit ang May 15 ay mayroon ng desisyon ang IATF at si Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments