Ilang SK Officials sa Lungsod ng Cauayan, Nakiisa sa National Bible Day!

Cauayan City, Isabela – Matagumpay na isinagawa ng mga SK officials ng Brgy. Labinab, Cauayan City, Isabela ang National Bible Day alinsunod na rin sa RA 11163 o National Bible Day na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa eksklusibong panayam ng RMN Cauayan sa mga opisyales ng katipunan ng mga kabataan sa pangunguna ni SK Chairman Jayson Purificacion, ito ang pinaka unang aktibidad sa kanilang barangay ngayong taon na dinaluhan ng mahigit 60 na kabataan na isinagawa noong sabado, Enero 26, 2019 sa Labinab-Angeles Elementary School.

Aniya, layunin ng nasabing aktibidad na ituro ang kahalahagan ng pagbabasa ng Bibliya, paglaanan ng oras at hindi nakatutok lamang sa social media, mahalin at pangalagahan ang mga likha ng panginoon.


Kaugnay nito, masaya ang mga kabataang dumalo sa nasabing aktibidad dahil marami silang natutunan lalo na tungkol sa Anti-Drug Campaign na naglalayong maiwas ang mga kabataan sa anumang bisyo.

Bahagi rin ng aktibidad ay ang pagpapalabas ng pelikula tungkol sa isang kabataang nalulong sa bisyo ngunit nang makilala ang Diyos, marinig ang salita nito sa pamamagitan ng bibliya ay nabago ang buhay at sinimulang umiwas sa mga masamang gawain.

Samantala, marami ang natuwa at nabigyan ng inspirasyon sa ginawang aktibidad ng mga kabataan kaya naman muling iniimbitahan ang lahat ng mga interesadong kabataan sa Pebrero 02 sa gagawing Free Martial Arts training at sa darating na Pebrero 16 Gabi ng Kabataan ng Brgy. Just Love Labinab.

Facebook Comments