ILANG STALL OWNERS SA CENTRAL TERMINAL, HINDI PA NAKAKAPAG-RENEW NG KONTRATA

Cauayan City- Patuloy pa rin ang paghihintay ng City Economic Enterperises Management and Development Office sa direktiba ng nakatataas hinggil sa pag-renew ng mga kontrata ng Stall owners sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 IFM Cauayan kay Ginoong Edwin Acis, Department Head ng CEEMDO, magpasahanggang ngayon ay dalawa pa lamang ang nakakapag-renew ng kanilang kontrata habang tatlompu’t isa (31) naman ay pa-expire na ang kanilang kontrata.

Bukod rito, hindi pa rin naipatupad ang taas singil sa mga stall owners na mula 900 ay magiging 1500 kada buwan ang singil rito.


Gayunpaman, naabisuhan na ang mga stall owners sa central terminal hinggil sa taas singil sa buwanang upa dahil may revenue code na ibinigay sa kanila hinggil sa naturang pagbabago sa bayad ng upa.

Facebook Comments