Ilang state leaders na dadalo sa APEC meeting sa Vietnam, magkakaroon ng bilateral meeting kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroong mga nakapilang bilateral meeting kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdalo sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Summit sa Vietnam sa darating na November 9 hanggang 11.

Sa Press Briefing sa Malacañang ay sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Leo Herrera Lim, 3 hanggang 4 na state leader ang makakapulong ng Pangulo sa Vietnam kung saan inaasahan na ilan dito ay ang mga leaders ng China, Russia, Vietnam kung saan binigyang prayoridad aniya nila ay ang mga leaders na hindi na makadadalo sa ASEAN summit dito sa bansa.

Nilinaw din naman ni Lim na wala pang naisasapinal na bilateral meeting at patuloy itong inaayos ng mga opisyal ng mga bansa.


Sinabi din ni Lim na magkakaroon din ng pagkakataon si Pangulong Duterte na makaharap ang mga negosyante mula sa buong rehiyon ng Asya Pasipiko.
Magkakaroon din naman aniya ng pagkakataon na magharap sina Pangulong Duterte at US President Donald Trump sa mga pulong sa APEC Summit.

Facebook Comments