Ilang sugatang sundalo, pinasakay ng pangulo sa kanyang presidential plane

Manila, Philippines – Nagpasalamat ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagpapahiram nito ng presidential plane sa mga sugatang sundalo.

Hinatid mismo ni Pangulong Duterte ang siyam na sugatang sundalo mula Cagayan de Oro patungong Maynila gamit ang f-28 presidential jet.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig/Gen. Restituto Padilla – tinutupad ng punong ehekutibo ang kanyang pangako sa mga sundalo.


Nabatid na sinabi ni Pangulong Duterte na gagawing ambulance plane ang presidential jet para mabilis na maibiyahe ang mga sundalong nasusugatan tuwing may bakbakan.

Facebook Comments