Manila, Philippines – Pinauwi na sa Metro Manila ang ilan sa mga sundalong nakipaglaban sa Maute ISIS group sa Marawi City.
Ito ang kinumpirma ni AFP Public affairs office Chief, Marine Col. Edgard Arevalo.
Aniya dalawang battalion ng sundalo ang ibabawas sa tropa ng militar sa lungsod ng Marawi.
Katunayan aniya, dumating na kanina sa Villamor airbase sa Pasay City ang limang daang sundalo mula Marawi sakay ng C130 airplane.
Sinabi pa ni Arevalo, ang dalawang batalyong sundalo ito ay ibabalik na sa kani-kanilang mga respective unit para makapagpahinga.
Dagdag pa ng opisyal na ang pagbabalik ng mga sundalo mula Marawi ay patunay na tapos na ang gulo sa lungsod at tanging mga natitirang miyembro na lamang ng Maute ISIS group ang target ng operasyon sa lungsod.