Ilang sundalong Filipino-American, tumutulong na rin sa paghahanap sa mga nawawala sa wildfire sa Hawaii

Ilang Filipino-Americans na miyembro ng US Army National Guard ang tumutulong sa search and recovery operations sa mga biktima ng wildfire sa Maui, Hawaii.

Anila, prayoridad nila ngayon ang pagsalba sa mga nata-trap pa sa mga nasusunog na bahay.

Sa ngayon kasi marami pang missing sa wildfire ang hindi pa matunton ng mga kaanak.


Kabilang sa mga nawawala ang ilang kamag-anak ng mga Pilipino doon.

Nilalagyan naman ng mga sundalo ng orang na ‘X’ marks ang mga bahay na kanila nang nahalughog.

Facebook Comments