Manila, Philippines – Dumating na sa Metro Manila ang ilang sundalong nakipaglaban sa Maute ISIS group sa Marawi City.
Sakay ng C130 airplane, dumating kahapon sa Villamor Airbase sa Pasay City ang nasa limang daang sundalo.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo, dalawang batalyon ng sundalo ang ibabawas sa Marawi at ibabalik sa kani-kanilang respective unit para makapagpahinga.
Anya, ang pagbabalik ng mga sundalo mula Marawi ay patunay na tapos na ang gulo sa lungsod at tanging mga natitirang miyembro na lamang ng Maute ISIS group ang target ng operasyon.
Facebook Comments