“Because I really do not distinguish that cases,” sagot ng BuCor chief.
Isinapubliko din ni Lacson ang released orders na may lagda ni Maria Fe Marquez, direktor ng Directorate for Reformation at pinuno ng Management, Screening & Evaluation Committee ng BuCor.
Kinumpirma ni Marquez sa mga senador na pinirmahan niya ang mga dokumento para kay Faeldon.
“Yung unang release order kay Sanchez, na-preempt lang because of public uproar. But in this (Chiong rape-slay convicts) case, this one got away,” saad ng mambabatas.
Dagdag pa ni Lacson, lumabas ang released papers apat na araw bago palayain si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.
“What makes the difference between the release order signed for you by Maria Fe Marquez and the release order signed by you in favor of Antonio Sanchez?” giit ni Lacson.
Kamakailan, binatikos ng sambayanan ang napipintong paglabas sana ni Sanchez ng bilangguan matapos umanong magpamalas ng magandang asal habang nakakulong.
Sa isang panayam noong Biyernes, sinabi ni Lacson na nakatanggap siya ng ulat na lumaya na ang mga nasabing salarin sa karumal-dumal na krimen.
Magugunitang pitong kalalakahin ang dinakip at nilitis, at noong Mayio 1999, sinentensyahan ng korte na guilty na may parusang habambuhay na pagkakabilanggo sina Francisco Juan “Paco” Larranaga, Josman Aznar, James Andrew Uy, James Anthony Uy, Rowen Adlawan, Alberto Caño, at Ariel Balansag.