Sinampahan na ng patung patong na kaso ang mga nasa likod ng pagpatay sa media commentator na si Christopher Eban Lozada at pagkasugat ng kanyang live-in partner na si Honey Faith Toyco sa Bislig City, Surigao del Norte nuong October 2017.
Ayon kay Usec Joel Sy Egco, Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS)ang mga respondents na sina Rolly Mahilum at ilang John Does ay kinasuhan ng murder at frustrated murder sa korte.
Sa impormasyong ibinigay sa task force ni Bislig City Acting Prosecutor Joan Francis Alas Esmero nakitaan nya ng probable cause o sapat na basehan upang isampa sa korte ang mga kaso laban sa suspek.
Lumalabas din sa imbestigasyon na pinagplanuhan ang pagpatay sa brodkaster.
Samantala sinabi naman ni PCOO Secretary at PTFoMS Co-Chair Martin Andanar na nakamit ang resulta sa kaso ni Lozada dahil hindi ito tinantanan ng task force para maigawad dito ang hustisya.
Matatandaang nuong October 24, 2017 lulan ang mag partner ng kanilang sasakyan pauwi sa kanilang tahanan nang bigla na lamang tambangan ng mga armadong lalake dahilan nang pagkasawi ni Lozada at pagkasugat naman ng kanyang kinakasama.