Hindi nakaligtas sa pagbahang dulot ng Bagyong Kristine ang ilang mga dokumento ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, lahat ng mga dokumento nila ang napinsala matapos maabot ng tubig-baha ang kanilang tanggapan sa Iriga City, Camarines Sur.
Sa kabila nito, tiniyak naman ni Garcia na may mga backup silang dokumento kahit nasira ang mga papel.
Sabi ni Garcia, kasama sa nadamay ang record ng mga botante sa Iriga.
Kahapon nang manawagan ng tulong ang poll body sa ibang ahensiya ng gobyerno para mailipat ang kanilang mga dokumento at kagamitan sa hindi maaabot ng baha.
Facebook Comments