ILANG TANGGAPAN NG LGU LAOAC, ISASARA MATAPOS MULING MAKAPAGTALA NG MGA POSITIBO SA COVID-19, PINALAWIG PA

LAOAC, PANGASINAN – Mananatili paring sarado ang ilang tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Laoac, Pangasinan matapos maitala ang 11 katao na nagpositibo sa nakakahawang sakit na COVID-19 sa bayan.

Sa nilagdaan ng alkalde ng bayan na Executive Order no. 14 series of 2021 o pagpapalawig sa pagsasara ng lahat ng mga tanggapan ng Municipal Hall, Rural Health Unit at Sangguniang Bayan na mag-uumpisa sa July 12-16, 2021 upang bigyan diin ang massive decontamination at disinfection sa lugar.

Matatandaang nagpalabas na ng utos ang alkalde, isang linggo makalipas na agad namang ipinatupad. Isasagawa din ang mass testing sa mga empleyado nito sa RT-PCR Test para malaman kung may nahawaan pa ang mga nagpositibo sa virus.


Samantala, sa pinakahuling datos ng PHO, qy mayroon ng 26 na katao ang nananatiling positibo sa sakit at patuloy naman sa paghikayat at pagpapaalala ang mga awtoridad sa mga mamamayan ng Laoac na sundin lamang ang mga health and safety protocols kontra COVID-19.

Facebook Comments