Ilang tanggapan ng senador, nagsimula nang magbigay ng tulong sa mga sinalanta ng bagyo

Kumilos na ang tanggapan ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa Senado para magbigay ng tulong sa mga kababayan sa Bicol Region na hinagupit ng Bagyong Kristine.

Sa social media post ni Revilla, ipinakita nito ang bayanihan truck na naglalaman ng relief goods na bumiyahe kagabi para dalhin sa mga kababayang sinalanta ng bagyo.

Sa ngayon ang unang napadalhan ng tulong ay mga residente sa Naga na matinding tinamaan ng kalamidad.


Tinatantya pa ng opisina ng senador ang paghahatid ng tulong sa iba pang lalawigan sa Bicol dahil pa rin sa sama ng lagay ng panahon at marami pang daan at tulay ang hindi pa passable o hindi pa madaanan sa mga oras na ito.

Gayunman, patuloy naman ang pagsasaayos ng tanggapan ng senador ng mga relief packs para maihatid agad sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.

Facebook Comments