Ilang tarpaulin na ikinabit sa bahagi ng Makati na umano’y si “Atong Ang” ang utak sa kaso ng mga nawawalang sabungero, agad na pinatanggal ng MMDA

Agad na inalis ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga tarpaulin na ikinalat sa bahagi ng Makati.

Kung saan may ikinabit sa footbridge ng EDSA— Guadalupe Southbound at sa ilang kalsada o public structure sa Ayala.

Ayon sa MMDA, mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakabit ng tarpaulin sa mga footbridge at pampublikong istraktura.

Nilalaman ng mga tarpaulin ang nagsasabing ang negosyanteng si Atong Ang ang utak sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Agad namang iniimbestigahan ng awtoridad ang nasa likod ng pagkakabit ng naturang mga poster o tarpaulin.

Facebook Comments