Ilang tauhan ng Barangay Health Emergency Response Team sa Baclaran, Parañaque, nag-alala sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

Nag-aalala ang ilang mga miyembro ng Barangay Health Emergency Reaponse Team (BHERT) sa Brgy. Baclaran sa Parañaque.

Ito’y dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang barangay na sa kasalukyan ay lumobo na 86 ang bilang.

Nabatid kasi na ang mga tauhan ng BHERT ang siyang humaharap sa mga pasyente na may sintomas ng virus kung saan isa sa kanilang miyembro ang tinamaan na ng COVID-19.


Ang iba naman sa kanila ay kasalukuyang naka-quarantine kaya’t muli nilang iginiit na mabigyan na rin sana sila ng bakuna.

Matatandaan na may naitala sa Brgy. Baclaran na isang pasyente na tinamaan ng South African variant ng COVID-19 na kabilang sa tatlong naitala sa lungsod.

Dahil dito, pansamantalang isinara ang ilang borders o ang mga kalsada sa pagitan ng lungsod ng Parañaque at Pasay bilang pag-iingat na rin na tumaas pa ang kaso COVID-19.

Wala namang plano ang lokal na pamahalaan ng Parañaque na magpatupad ng lockdown pero bumuo na sila ng task force na siyang mag-iikot para masigurong maipapatupad ang minimum health protocols.

Facebook Comments