Sumailalim sa Polymerase Chain Reaction o PCR Swab Testing ang mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology sa Las Piñas City.
Ito ang isa sa mga naging prayoridad ni Mayor Mel Aguilar upang tiyakin ang kalusugan ng mga frontliners sa lungsod maliban pa ang food security at peace and order ngayong panahon ng krisis dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sinimulan na din gamitin ng lokal na pamahalaan ang bagong Converted Isolation Facility para sa PCR Swab Testing sa mga 38 suspected COVID-19 cases maliban pa sa ginawang pagsusuri ng ibang Testing Facility sa lungsod.
Kasabay nito, nagsagawa din ng PCR testing sa bahay-bahay ang mga health workers sa mga contacts at suspected case.
Ang mga swab samples naman ay dadalhin sa tanggapan ng Philippine Red Cross at inaasahang lalabas ang resulta nito sa mga susunod na araw.
Ang PCR testing sa bagong Isolation facility na dating Drug Rehab Center ay patuloy na isasagawa ngayong araw kung saan matatagpuan ito sa Brgy. Daniel Fajardo.