Ilang tauhan ng MMDA na sangkot sa katiwalian, sinibak sa pwesto

Manila, Philippines – Sinibak sa pwesto ang ilang tauhan ng MMDA na nasasangkot sa katiwalian sa layuning mapaghusay ang serbisyo at madisiplina ang mga ito.

Umaabot na sa 100 MMDA personnel ang sinibak sa pwesto.

Ayon pa kay MMDA Chairman Danilo Lim, 12 tauhan nito ang napatunayang guilty sa korapsyon ang na-dismiss na rin sa serbisyo, 2 naman ang suspendido, 22 ang na-terminate, 77 job orders ang hindi na-renew habang 10 naman ang nag-AWOL o Absent Without Official Leave.


Sinabi pa ni Lim na aminado naman ang mga ito na mayroon silang nagawang hindi maganda at ang ilan pa nga sa kanila ang kusang nagpa-imbestiga.
Samantala, tuloy din ang rigodon o balasahan sa MMDA habang ginagawaran o binibigyang parangal din ang ilang personnel na nagpapamalas ng husay at dedikasyon sa trabaho.

Facebook Comments