Ilang tauhan ng MTPB, ilang buwan nang nagtatrabaho pero wala pa ring sweldo

231

Manila, Philippines – Nagrereklamo na ang mga ilang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) dahil sa anim na buwan na silang hindi sumasahod.

Ayon sa ilang tauhan, subsob na sila sa trabaho kaso walang natatanggap na sweldo.

Paliwanag naman ni MTPB Director Dennis Alcoreza – kulang ang mga isinumite nilang requirements kaya hindi pa sila sumusweldo.


Nanawagan naman si Alcoreza na ideretso na lang sa kanyang opisina ang reklamo.

Sa kabila nito, patuloy ang mga gagawing clearing operations ng MTPB sa lungsod.

Facebook Comments