Ilang terminal, naghahanda na sa pagbabalik ng mga biyahero sa NCR

PHOTO: Conde Batac/DZXL News

Pinaghahandaan naman ngayon ng ilang bus terminals ang dagsa ng mga pasaherong uuwi sa Metro Manila.

Ayon kay Hilario Mataba, Assistant Supervisor ng isang bus company, nakalatag na ang kanilang mga bus para sa inaasahang pag-uwi ng mga biyahero na magsisimula sa November 4.

Aniya, ang mga bus nila ay nakaantabay na sa mga probinsya para sa tuluy-tuloy na paglalakbay pabalik ng NCR.


Samantala, kahit November 2 na ay mayroon pa rin aniyang magsisiuwian sa mga probinsya kaya naman patuloy silang naka-alerto kahit patapos na ang Undas.

Tiniyak din ng pamunuan ng terminal ang mahigpit na pagbabantay sa mga sumasakay na pasahero at pagsiguro na nasa kondisyon ang mga drivers para sa mahabang oras ng paglalakbay.

Facebook Comments