MANILA – Ihaharap na ng Department of Justice (DOJ) sa pagdinig ng kamara ngayong araw ang 30-testigo laban kay Senadora Leila De Lima dahil sa pagkakadawit nito sa drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, kabilang dito ang 12-inmates mula sa New Bilibid Prisons at ilang opisyal at empleyado ng National Bureau of Investigation (NBI).Isa sa mga alas ng DOJ ay si dating Bucor OIC at NBI Deputy Director for Intelligence na si Rafael Ragos na kilalang malapit kay de Lima.Tetestigo din ang convicted armed robber at ngayo’y drug lord na si Herbert Colangco laban kay de Lima.Ilang inmates din ang tetestigo tungkol sa mga meeting ni de Lima at isa pang inmate na si Jayvee Sebastian.Binigyang diin ni ahensya na ito’y boluntaryo at walang kapalit ang testimonya ng mga witness na ipinasok na sa Witness Protection Program.
Ilang Testigo Laban Kay Sen. Leila De Lima, Ihaharap Ng Doj Sa Pagdinig Ng Kongreso Ngayong Araw
Facebook Comments