Inaasahan na ng ilang tindero at tindera ng gulay sa Calasiao Public Market ang posibleng epekto ng panahon ng tag-ulan sa suplay at presyo ng kanilang mga tinitindang gulay.
Ani ng ilang tindera ng gulay, bagamat wala pa gaanong epekto sa kanilang kita ang pagdeklara sa panahon ng tag-ulan ay pinaghahandaan na rin umano nila ito.
Tuwing panahon ng tag-ulan ay talagang nakararanas umano sila ng mas madalas na pagbabago sa presyuhan lalo na sa highland vegetables.
Maaari umano kasing maapektuhan ng tag-ulan ang paghahatid ng mga gulay mula baguio city pababa sa mga probinsya tulad sa Pangasinan.
Sa ngayon, nananatili ang presyo ng mga gulay tulad ng repolyo at pechay na nasa 80 pesos, carrots na nasa 60 pesos, at sayote na nasa 30-50 pesos. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









