Quezon City – Hindi na maipinta ang mga mukha ng mga tindera ng manok sa Nepa Q-mart ito ay dahil sa sobrang tumal o halos walang bumibisita sa kanilang pwesto para bumili ng manok.
Nag simula aniya ang dagok sa kanilang hanapbuhay matapos magkasakit o dapuan ng bird flu virus ang mga manok sa isang lugar sa Pampanga.
Ayon kay aling Joy, hindi na muna sya bibili ng panindang manok bukas dahil tila wala pang gustong kumain ng manok.
Aniya baka ipaubos niya nalang muna ang kanyang mga paninda at sana maibalik manlang ang kanyang puhunan.
Wala naman aniya sya plano magpalit ng paninda tulad ng baboy baka o isda dahil sa paniniwalang maguugat lang ito ng alitan sa kapwa tindero at tindera.
Facebook Comments