Nagsimula nang pumuwesto ang mga tindera ng paputok sa bayan ng Calasiao.
Itinalaga ang tapat ng plaza bilang puwesto ng mga walong negosyante na nabigyan ng permit upang magtinda ng paputok.
Ayon kay BFP Calasiao Senior Fire Inspector III Rober Solar, nakapag comply ang mga ito sa kanilang tanggapan ng mga kinakailangan dokumento sa kanilang pagbebenta.
Ayon kay Solar, mahalaga na mayroon umanong fire fighting equipments ang mga ito tulad ng fire extinguisher, nakaimbak na tubig, gayundin ng buhangin at nakaposteng No Smoking at No Testing signages.
Babala ni Solar, posibleng bawiin ang mga permit na iginawad sa mga ito sakaling lumabag sa mga ipinatutupad na regulasyon.
Paalala ng awtoridad huwag tangkilikin ang pagbili ng paputok online dahil ang mga ito ay walang permit.
Magtatagal ang mga negosyante sa kanilang pwesto hanggang sa bisperas ng bagong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨